Wednesday, January 17, 2007

Good Morning Rich-O

This is my 1st shift sa Graveyard. And nothing seems to be different. Welcome naman ako. And good thing i have friends naman na before so nothing much to adjust.

I do miss my old team. Nakaka miss ung ingay sa kabilang room. Nakaka miss ung sigawan at tawanan namin. Yung pasahan ng mga pagkain. Yung nakakaasar na tawa ng dalawang malditang sina Perpol at Meh.. Haha.. Yung racing namin ni Bem. Mga usapan sa MSN. Lahat.. Nakaka miss. But i have to get use to it.

Ok naman sa gy. Hindi nga lang kami ganun kainagay. Haha.. Siguro naninibago pa ako. Behave ika nga muna. Malamang kung bigla akong magladlad e magugulat sila noh. Haha..
The other night.. Para akong si Dr. Heart. Halos tatlong tao ang dinamayan ko. I dont know kung naka-help ako talaga sa kanila but i wish and i hope uu. Sabi naman nila sken "thank you". Pero ciempre i wanna know kung talagang ok sila. As in yung OK.

Bakit nga ba may mga taong nagpapabaya sa isang relasyon. Bakit binabaliwala ang nararamdaman ng iba.

Gaya nalang ng friend ko na si *Jill. Dahil ba sa may anak na siya at hiwalay sa asawa e wala na siyang karapatang mahalin? Dahil ba dun eh hindi na siya katanggap tanggap? I dont think thats fair. Each and everyone of us has the right to be love for who we are and whatever passed we have. Bakit hindi sya kayang paglaban nung guy. Nakakapanghinayang lang dahil kahit papano, im responsible for the two of them. Because of me nagkakilala sila. Nakakainis lang. Dahil sobrang minahal ni Jill yung lalaki and this is what she get? Nakakainis!

Tapos, eto pang si *Bambi. Ive told her already na kahit sobrang dead na dead sya sa "ex" niya e kahit na anong mangyari if his not worth it walang mangyayari. Hindi nakikinig. Sinaktan na nga siya dati papaulit pa siya. Hindi masama na mahalin parin ang "ex" (dahil kahit ako ganun), pero sana worth it. Eh hindi eh, saksakan ng gago. Hindi lang gago.. Two timer pa. User! Nakakainis!

Pero kay *Joseph, it breaks my heart pagnakikita ko siyang umiiyak. His too young to get hurt esp. when it comes to love. Ewan ko, bata pa lang pero kung magmahal na sobra. I really dont know what happen to his gf pero sana.. Matauhan yung girl dahil sobra ang pagmamahal ni Joseph sa kanya. Hindi lang dahil sa mga sinasabi ni Joseph. Nakikita ko at nararamdaman ko yun.

Hai.. Pagibig nga naman. Ganun ba dahil malapit nanaman ang Valentine's Day. Bat naman ako, kahit heart-broken ako masaya padin ako. Kahit ang mahal ko may mahal ng iba (literally may asawa na) eh masaya padin ako. Masaya din ako para sa kanya. Hai.. Pagibig!

Anyway, good morning! Haha..

*Names have been change.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home