<3
Hindi ko alam kung ano ang susulat ko ngayon. Walang koneksyon ang pagiging single at valentines. Matagal tagal nadin kasi akong di nagblo2g so wala akong idea kung ano talaga isusulat ko.
But since Valentines nga. Sige na nga.
Valentines. Ano bang meron sa araw na ito. Bakit ba napakaimportante ito sa mga ibang tao? Lalo na sa mga magsing irog.
Naalala ko dati nung bata ako, pinapagawa kami ng mga cards gamit ang bond paper at crayon na kulay pula at ibibigay daw yun kina Itay at Inay. Ang laging design ng card ko. Isang malaking heart sa gitna na may nakasulat na "Happy Valentines". Lagi ganun ang design ng card ko. Taon-taon. Hindi nagbago. Pero minsan gumawa ako ng valentines card. Hindi para kina Itay at Inay. Para sa isang crush. Tama. Unang LoveLetter ika nga. Ang masaklap nung binigay ko, kinantyawan pa ako ng mga classmates ko at tinawanan ng crush ko. Sampal sakin. Napahiya ako. Basted ako. Hindi ko na matandaan kung sino yung unang lalaking sinulatan ko at binigyan ko ng valentines card na yun. Sayang. Gusto ko sanang bawiin. Pero ayos na din. Sana lang nasa kanya pa yun at hindi niya tinapon sa basurahan.
Unang PuppyLove ko (puppy dahil bata pa ako nun) e yung longtime gradeschool crush ko na si Arnold. Gwapo, moreno. Tama lang ang appeal sa babae. Konti lang din kasi nagkaka crush sa kanya. Sa dinami-dami ba naman ng mga lalaki sa school namin e. Malamang konti lang makakapasin sa kanya. Isa na ako dun. Ay nga pla hindi padin sya ung binigyan ko ng card ha. Masaklap ulit, hindi naging kami. Dinedma ang beauty ko. Basted ulet!
Madami akong naging crush nung gradeschool ako. Uu, aaaminin ko. Bata palang ako, malandi na ako. Haha.. Pero as i was saying, sa dinami-dami kong crush nun gradeschool ako isa lang ang naging boyfriend ko sa kanila. Pero Highschool na ako nun nung sinagot ko ang crush ko na yun. Wala na din ako sa school namin dati nun. At ang una kong boyfriend e LDR na agad. Long Distance Relationship. Kaya never akong naniwala na nag wowork yun. Dahil bata pa lang ako never na nag work sa akin. Si Ron ang 1st boyfriend ko. Cute at mabait. Hindi ko nga ineexpect na magkakagusto sya sa akin. Pat-patin at negra ako dati, nagustuhan niya ako. Weird. 1month lang kami. Saklap. Mas mahaba pa ang ligawan stage. 6months niya akong niligawan.
Yung sumunod, puro fling na ata. May 2weeks lang. May 3months. May 6months. Meron din namang 1year. Seryoso seryosuhan lang ata. Pero ndi ko naman pinaglaruan yung mga un. Kahit papano, special sila. Parang ang dami ah. Haha..
Nakailang boyfriends din ako bago ko nakilala ang TrueLove ko. Uu, si James ang tinutukoy ko. Pero enough na tayo sa kanya. Masaya naman na ako kung anong meron sya ngayon. Sana lang masaya sya kung anong meron ako ngayon. Ano nga bang meron ako ngayon?
Susumain, never naman naging special ang Valentines ko. Siguro nun 2nd Lovapalooza lang. Haha.. Pero the rest hindi. I mean deadma lang. Panu halos sa taon na inilagi ko dito sa mundo. Sa tuwing sasapit ang Valentines Day puro kaibigan ko ang kasama ko. Sila ang mga so-called "dates" ko. Never na palaging para sa mga boyfriends ko.
Meron din akong isang Valentines Day na never kong makakalimutan. Nai blog ko na yun dati. Yun ang Valentines Day Bombming. Tama ang nabasa niyo. Nandun ako. Kasama ang isang kaibigan. Galing kaming Ojt nun. Buti nalang nagaya akong bumili muna ng pagkain nun. Kung nagkataon, nakita namin ang bombming nun. Or worst baka nakasakay kami sa bus nun.
Kaya para nga sakin hindi lang pang lovers ang Valentines. Para sa lahat ng nagmamahal. Mapa magulang, kapatid or kaibigan man yan. Basta nagmamahal ka, kahit single ka man. May karapatan kang magcelebrate ng Valentines.
Happy Hearts Day everyone! ΓΌ

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home