Friday, September 28, 2007

Kung ako kaya:

Ay naging isang bading, magiging kasing galing din ba ako magsulat ni direk Jun Luna? E kung magsuot kaya ako ng makakapal na eyeglasses, magiging kasing galing din kaya ako ni Jessica Zafra?

Aminado naman ako. Hindi ako magaling magsulat. Kesyo kung ano ano lang naman din kasi nilalagay ko sa blog ko. Wala akong sariling concepto. Kung ano lang maisip ko at mailigay ko sinusulat ko. Wala din naman akong kelangan ibida sa mga isusulat ko. Wala din akong paki sa mga babasa (kung may bumabasa man) sa blog ko. Basta mailabas ko lang ang nasa utak ko. Ayon tynatype ng daliri ko. (sadyang minsan makati lang talaga ang daliri ko.)

Pero paano kaya ano. Pwede kaya yun? Isang bading na nagsusuot ng makapal na eyeglasses. Ganda ko siguro nun.


(sa tulong ng isang kaibigan. Nahanap ko ang blog nila Direk Jun Luna at "the twisted mind" of Jessica Zafra. Panalo talaga. Kagagaling magsulat. ΓΌ)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home