Monday, July 03, 2006

Love letter sa Office!

Para sa kaalamanan ng marami eto po ay hindi ko sulat kundi sulat mula sa computer ng isa kong ka officemate. Hindi namin alam kung sino ang gumawa pero para hindi sabihin na ito ay ninakaw ko, KUNG SINO MAN ANG GUMAGAWA NITO .. pahiram po muna! Hehe ..

Isang buwan palang pero ang dami nang nangyari, sana lang yung “id like that” hindi magbago, sana kahit ilang buwan pa yung lumipas or taon, ung “id like that” eh “id like that” pa rin. Yung nakilala kong unggoy, sana mangga pa rin yung gusto nya at dehins siyang bumalik sa gubat kasi ayokong may ibang hayop na mag-alok ng prutas sa kanya eh.. or kahit ano pa i-offer nila. Gusto ko yung kinakain lng nung unggoy eh yung manggang dehins pa hinog. At saging..

Alam mo ba, sa dami ng kinwento mo sakin, nalaman ko na halos lahat ng gusto at ayaw mo. Pero di lahat ng gusto mo maibibigay or magagawa ko, di rin lahat ng ayaw mo di ko magagawa. Merong mga bagay na di ko talaga ginagawa na ginawa sayo nung mga ex-bf mo. “well ive got my own S n S” (ha? .. that means shit and stuff.. lam mo na un..)

Di ko na kailangang titigan yung isang tao na nakatingin sau nang masama (un tipong nagiging FHM model ka na..) tuwing kasama kita kasi wala naman siyang ginagawang masama sayo or sakin.. maeepalan lng sakin un (tska mas ok un feeling ko crush ka nya.. ibg sabihin cute ako.. db db? =p ) Di ko na din kailangang pagbawalan ka magsuot ng mga sexy na damit or something.. kasi sayo yun eh.. binili or binigay sayo yun… at isa pa sinuot mo yun.. meaning, gusto mong isuot.. bakit kita pipigilan diba?

Di ko naman kailangan gawin lahat ng yan para lang mapakita ko na pinoprotektahan kita.. kasi dapat simula pa lang, alam mo na kaagad na pag kasama kita, gagawin ko lahat para lang protektahan ka (oo kaya kong gayahin ung mga ginagawa ni shayder) para walang mangyaring masama sayo. Dapat alam mo na, di ko na dapat sabihin o iparamdam sayo kasi nga…. “alam mo na”. Siguro in some ways, mismatch talaga ako sa kanila at sa mga nagawa nila sayo, sa looks, dami ng pera, estado sa buhay, mga sweet things na nagawa nila sayo, mga friends na nagvote ng “bagay kayo”, mga pagkain naipakain nila sayo, mga gifts, mga bayad sa taxi, mga stores/rooms/karenderya (kung meron man) na napasukan nyo, mga pics na bagay kayo, mga sulat na nagawa nila sayo, at sangkatutak pang reasons… pero one thing is for sure. “ Di ako titigil sa pagyakap sayo unless sabihin mo na tigilan ko na”. Stuck na nga kasi.. at wala ka nang magagawa.. pero kung meron kang iba aus lang.. wla problema (bakit ba ako paulit-ulit?).. kasi nga..
“Atik laham.. oo lam ko corny.. may magagawa ka ba eh mahal kitA”.


Location: Office
Listening: I Dont Wanna Wait - Paula Cole
Feeling: Sleepy

~awt~

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home