Thursday, April 03, 2008

Dahil tinatamad ako..

Ikalawang post ko na to sa blog ko.

Nahihilo nadin ako kakabasa ng lecheng GAY blog ni Brian Gorrell. Ang haba. Wala akong maintindihan. Panuuorin ko nalang sa news un. Haha. Sosme.

At dahil tinatamad ako. May isang usapan kaming ng kaibigan ko na si Tala na i bloblog ko.

"Hai naku kt napagiiwananan na ata tau hehe san kaya tau makakahanap ng lalaking para sa tin sana dumating na sila hehe" - Tala

Ano nga ba ang hinahanap ko sa lalaki? At my last post i already ended it. I mean wala naman talagang dapat tapusin kasi wala naman nasimulan. Enough na siguro un. Were good. Tapos.

Ano nga ba ang tipo ko? Ano yung gusto ko? Ano yung hinahanap ko? Yung married material guy ba? Yung kayang bumuhay na ng pamilya? Yung kaya kong ipagmalaki sa pamilya ko. Yung "hehe" mabibili ang mga hilig ko (teka nagiging praktikal lang po, or mukhang pera lang talaga ako. Lol)? Yung MAMAHALIN ako at hindi ako IIWAN (may pinatatamaan ako kaso di niya mababasa to)?

E teka, hindi pa ako magaasawa. Jusko po. Madami pa ako gusto gawin. At wala sa plano ko ang magasawa. Kahit na sabihin meron ako babytoy (term ni ate zashi). Ayoko pa.

Darating naman siguro yan. Darating din ako dyan. Darating din kami dyan.

Kaya Tal, wag kang magalala. Hindi ka nagiisa. Madami tayo (siguro), enjoying natin ang singlehood natin.


0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home