Saturday, December 06, 2008

On my dads absence

Ngayon palang nagsisimula na akong mamiss ang tatay ko. Buong buhay ko sya ang kasama ko. At ngayon, umalis na sya at tuluyan na akong hinayaan na maranasan ang kapayapan.

Sa edad ko na ito, bente quatro na ako pero nakadepende padin ako sa tatay ko. Aminado ako. Hindi pa ako handa at natatakot ako.

Maswerte na ako kung tutuusin. Maraming iniwan sa akin ang tatay ko bago niya ako hinayaang maging malaya. Kahit sa huling araw hindi niya ako pinabayaan. Ang hirap magpaalam sa kanya. Pinigilan ko lang na maiyak.

Ngayong sinusulat ko to, pinipigilan ko parin maiyak.

Mamimiss ko talaga si papa. Lalo na ung mga simpleng pagaaway namin. Nitong nagdaang buwan madalas kaming magusap ng maayos, at yun ang lagi kong hahanap-hanapin.

"Pasalamat ka at hindi naman sya malayo at anytime pwede syang bumalik. Tawagan mo nalang lagi at away-awayin mo para kunwari magkasama padin kayo. Haha." -kath


Miss ko na si Papa. Miss ko na talaga sya.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home