Its now or never
Few more days nalang, election nanaman. Dami nanaman mga streamers, banners, political commmercials. Hanggang ngayon hindi padin ako decided kung sino ang mga iboboto ko. Ni wala pa akong listahan ng mga iboboto ko. Ang alam ko lang botohan sa Monday at mukhang mangongopya nanaman ako.
Oo, tama. Dati nung unang beses kong bumoto kinopya ko lang ang mga kandidato na isinulat ko sa balota ko. Magmula presidente hanggan sa mga konsehal. Ni wala akong ideya sa election. Ni wala akong paki sa politics. Sa totoo lang hanggang ngayon wala akong paki. Nakakapagod kasi ang pulitika. Kung tutuusin para akong walang kwenta. Sabihin ko man na wala akong pakelam pero kelangan. Nakaka praning kasi minsan. May problema ka na nga sa personal mong buhay pro2blemahin mo pa ang pesteng pulitika na yan. Pero syempre, kung hindi ko naman ieexpress ang pakabahala ko sa pulitika ng Pilipinas tinawag pa akong Pilipino.
Nakakasama lang kasi ng loob na kahit anong gawin mong hirap at payaman para sa sarili mo (pamilya mo) parang walang nangyayari dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas. Kung tutuusin nga din paanong mo sasabihin na mahirap ang Pinas e Millyones ang kinikita ng mga OFW natin. Ang mga nahahalal at nakaupo sa Gobyerno mayayaman. Ni ultimong tatay ko na nasa Military MAYAMAN. Pero bakit ang iba natin mamamayan e naghihirap. Biruin mo may isang kandidato ngayon na tumatakbo ng Senador e lumampas sa rate range ng Comelec. Sabihin pa nya na galing sa mga donors niya yun. Niloloko ba niya ang mga Pilipino. Sige sabihin natin galing sa mga Businessman yun, pero hindi pa pwedeng idonate nalang yun sa mga istutusyon ng Gobyerno na natutulungan ang mga mahihirap natin kapwa Pinoy.
Ang hirap lang isipin na sila gastos ng gastos para lang maihalal sa Gobyerno pero once na makaupo sila wala na. Naglahong bigla ang mga perang ginamit nila na sana itinulong nalang nila sa mga ibang tao.
Nakakainis na minsan isipin na mahirap ang pilipinas na kung tutuusin hindi naman talaga. Ang mga nakaupo lang ang nagpapahirap sa mga Pilipino.
Hindi bat nakakaasar ang mga gantong problema. Dahil kahit alam mo na may solusyon naman, hindi naman kayang solusyunan. Nakakapanghinayan, nakakapanghina, nakakapraning, nakakabaliw.
Sa totoo lang, wala akong tiwala sa sistema ng Pinas. Kahit pilitin ko na maniwala sa kanila, hindi ko magawa.
Pero ako ba nga ang magagawa ko. Kundi ipahayag at ipakita na Pinoy ako. Hindi ko lang sinasabi na sa pagboto lang masasabing Pinoy ako. Napakaraming bagay. Hindi ko naman sasayangin ang ISA KONG BOTO (base sa isang tv network ad ng isang istasyon). Baka sakali dito magsimula ang PAGBABAGO. Matagal pa yun. Sobrang matagal pa. Hindi ako nawawalan ng pagasa. Balang araw, magiging mayaman ulit ang Pilipinas. Hindi lang sa Pera, Kapangyarihan at Politika. Kundi sa Lahat ng bagay (mayaman na ang Pinas. Hindi lang yun nakikita ng iba).
Kaya sa Lunes, hindi na ako mango2pya ng mga kandidato. Alam ko na ang kalagahan ng BOTO ko. Hindi ko sasayangin to. Wag lang masayang ang BOTO ko. Its now or never..
Kayo?
Its now or never..
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home