Tuesday, May 27, 2008

Babala sa mga commuters. :|

I got this email from my Officemate in BbText (Ate Myles).

Shocks. Scary! Before pa man din mahilig ako magpagabi sa ATC. Kahit na Alabang-Zapote ang route ng nasabing incident nakakatakot padin yan. I remember ung dating ginagawa nila sa loob ng sinehan. Sa mga babaeng naka school uniform. U know that issue before?

Nakakatakot na talaga ang mga tao ngayon.


From: canaya.anabelle@jgc.co.jp
Subject: Fw: Babala sa mga commuters
To:
Date: Thursday, May 15, 2008, 12:34 AM

Dear All,

Pls. pass this to all SW Personnel who commutes daily.
(Mag-ingat Tayo sa mga Puñetang Tao)

Last night at about 10:15- to 10:30 PM, I was in a jeepney bound home
traversing Alabang-Zapote Road. Napaidlip ako saglit. Nakaramdam ako na
may nag inject sa Right Arm ko. "Aray! ano po yun?" ang tanong ko
sa
katabi ko may edad ng babae. Di ko nakita na sya ang nanusok pero walang
space sa pagitan namin at mabilis ang
takbo ng jeep at puno ng
pasahero.
Nakatitig sya sa akin. A few seconds later, uminit ang braso ko at
namanhid ang buo kong kamay. Nanlalambot ako at halos nawawalan ng energy.
Nung para na akong mawawalan ng malay sa jeep ay sinabi ko sa driver
"Manong, may nag inject sa braso ko at namamanhid na ang kamay ko.
Nanghihina ako bigla. Baka hindi ako makarating sa amin". ( Nasa tapat
kami ng Alabang Town Center I think 20 Minutes away pa ako sa babaan ko.)
Mabuti at mabait ang driver, pinaharurot ang jeep at tapat ng Honda ay may
nakita syang Mobile Patrol at inihinto ang Jeep.

Nagsuplong ako sa Police at pinababa lahat ng pasahero. Itinuro ko ang
katabi kong babae bilang primary suspect ko, pero alam ko may mga kasama
sya. Nasa kaliwa ko, sa harap ko at sya na nasa kanan ko. May isang lalaki
parang amerisian na marungis at malalim ang mata na di bumaba. Alam ko
kasama sya ng babae. Yung babae lang
ang kinapkapan, walang nakita
sa
kanya, maaring naipasa na nya, o naitapon ang injection.

Pinasakay kami sa Police Car, ako, ang babae. Pinasunod din ang driver
para kunan ng statement. Wala namang nakitang evidence at deny sya na may
kasama sya. Moments later dumating sa police station ang apat na lalaki, (2
sons, asawa, anak na babae at escort nya na baranggay police daw). I was
treatened. Mag-isa lang ako They interrogate me but I did not answer
them. Sinabihan sila ng pulis na wag makialam. After the blotter,
pakiramdam ko nalagay pa rin ako sa alanganin dahil walang confidentiality
ang tanong sa akin ng Pulis. Pangalan ko, Address ko, san ako nagtatrabaho
na naririnig mismo ng suspect. Nanghiram pa ng ballpen sa Pulis.

Then, nagpa escort ako sa police pa Alabang Med para ipa examine kung ano
ang ininject sa akin. Wala daw silang ganung equipment. Ni refer ako sa
Asian Hospital, wala ring
examine na ginawa. I was advised
by the
physician na sa Crime Lab or Toxicology ako magpatingin to know what was
the drug injected to me. What he can do raw ay i admit ako at observe kung
ano ang reaction ng drug na na inject sa akin. DI ako nagpa admit. I was
given anti tetanus shot baka kase saan saan lang napulot ang needle at kani
kanino na yun naitusok.

Lastly, I learned sa isang by-stander na may previous incident din nung
madaling araw na yun sa Alabang, wherein a lady lost P10,000 pesos daw
after feeling drowsy and weak pagbaba ng jeep dahil din sa may nag inject
bigla sa braso nya.

LESSON LEARNED: MAG-INGAT. WAG MATUTULOG SA JEEP O BUS. MAGING ALERT SA
MGA PASAHERO. WAG MAGDALA NG MALAKING CASH. DAHIL SA PANAHON NGAYON,
MARAMING MODUS OPERANDI ANG MGA CRIMINAL.

Helen F. Besavilla
HRD Head-Shopwise Alabang
1:08 PM



*** INTERNET E-MAIL CONFIDENTIALITY
***

This message and any attachment hereto
may contain information that is
privileged, confidential or otherwise protected from disclosure. If you
are not the intended recipient, please notify the sender by return
e-mail and destroy this message, along with any attachment. You are
hereby formally advised that any unauthorized disclosure, copying or
distribution of this material, or the taking of any action in relation
to the contents is strictly prohibited. Thank you for your cooperation.

JGC CORPORATION

1 Comments:

Anonymous cez said...

Cookie pa din ako. haha )

un nga, so expensive ng buks kaya i don't dare na rin na bumili kasi nga di kaya ng budget. plus, you have to buy all the buks once you got hooked. eh ang expensive, sa tv na lang ako. haha )

mas trip ko si Nate. haha :D ewan ko bakit xa gusto ko. uber crush ko xa talaga. feeling ko naman si Eric si GG. naku, nae-excite tuloy ako lalo sa 2nd season. :D

Thanks sis! :D miss you.

OMG! katakot naman ung nasa email na yan. eh i always ride jeepney pa naman going to school. we just have to be alert na lang. :D

5:14 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home