Wednesday, December 17, 2008

Ang hirap!

Napaiyak ako kanina kakaantay ng tubig namin sa maynilad. Ok alam ko simple lang at wala naman talagang rason na umiyak ako pero dala nadin ng stress at wala pang tulog, bwisit dahil kung kelan naka schedule ang dating ng tubig namin walang dumating. Pero narealize ko hindi ako umiyak dahil sa tubig, naiyak ako dahil narealize ko na mahirap palang magisa. Mahirap magsolo. Mahirap maging independent. Isang linggo palang akong naiwan ng tatay ko, ok naman sa simula, madali. Pero parang bibigay ako emotionally. Ngayon ko nararamdaman ang magisa. Ang pagiging magisa.

Alam ko naman na maraming tutulong sa akin once nangailangan ako.

Pero magisa nalang talaga ako. Kahit na kasama ko naman si ate gina at si kevin. Magisa padin ako! Ang hirap!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home