Wednesday, January 17, 2007

Good Morning Rich-O

This is my 1st shift sa Graveyard. And nothing seems to be different. Welcome naman ako. And good thing i have friends naman na before so nothing much to adjust.

I do miss my old team. Nakaka miss ung ingay sa kabilang room. Nakaka miss ung sigawan at tawanan namin. Yung pasahan ng mga pagkain. Yung nakakaasar na tawa ng dalawang malditang sina Perpol at Meh.. Haha.. Yung racing namin ni Bem. Mga usapan sa MSN. Lahat.. Nakaka miss. But i have to get use to it.

Ok naman sa gy. Hindi nga lang kami ganun kainagay. Haha.. Siguro naninibago pa ako. Behave ika nga muna. Malamang kung bigla akong magladlad e magugulat sila noh. Haha..
The other night.. Para akong si Dr. Heart. Halos tatlong tao ang dinamayan ko. I dont know kung naka-help ako talaga sa kanila but i wish and i hope uu. Sabi naman nila sken "thank you". Pero ciempre i wanna know kung talagang ok sila. As in yung OK.

Bakit nga ba may mga taong nagpapabaya sa isang relasyon. Bakit binabaliwala ang nararamdaman ng iba.

Gaya nalang ng friend ko na si *Jill. Dahil ba sa may anak na siya at hiwalay sa asawa e wala na siyang karapatang mahalin? Dahil ba dun eh hindi na siya katanggap tanggap? I dont think thats fair. Each and everyone of us has the right to be love for who we are and whatever passed we have. Bakit hindi sya kayang paglaban nung guy. Nakakapanghinayang lang dahil kahit papano, im responsible for the two of them. Because of me nagkakilala sila. Nakakainis lang. Dahil sobrang minahal ni Jill yung lalaki and this is what she get? Nakakainis!

Tapos, eto pang si *Bambi. Ive told her already na kahit sobrang dead na dead sya sa "ex" niya e kahit na anong mangyari if his not worth it walang mangyayari. Hindi nakikinig. Sinaktan na nga siya dati papaulit pa siya. Hindi masama na mahalin parin ang "ex" (dahil kahit ako ganun), pero sana worth it. Eh hindi eh, saksakan ng gago. Hindi lang gago.. Two timer pa. User! Nakakainis!

Pero kay *Joseph, it breaks my heart pagnakikita ko siyang umiiyak. His too young to get hurt esp. when it comes to love. Ewan ko, bata pa lang pero kung magmahal na sobra. I really dont know what happen to his gf pero sana.. Matauhan yung girl dahil sobra ang pagmamahal ni Joseph sa kanya. Hindi lang dahil sa mga sinasabi ni Joseph. Nakikita ko at nararamdaman ko yun.

Hai.. Pagibig nga naman. Ganun ba dahil malapit nanaman ang Valentine's Day. Bat naman ako, kahit heart-broken ako masaya padin ako. Kahit ang mahal ko may mahal ng iba (literally may asawa na) eh masaya padin ako. Masaya din ako para sa kanya. Hai.. Pagibig!

Anyway, good morning! Haha..

*Names have been change.

Monday, January 15, 2007

Pyro SUCK!

Well u heard me right.. Sorry, but i love the Pyro Olympics. The only thing is.. The last night i was supposed to watch it, i was caught up in a massive traffic. Alam mo un, ok lang na mastranded ka and everything pero sana nakita ko man lang. Grrr.. I was so pissed. I almost walk from The Herritage Hotel to Bluewave para lang makita kami ni Kev. Tas almost 3am in the morning na kami nakauwi ng Alabang. Nagkaubusan pa ng mga inumin. Grrr.. Sana nag half day nalang ako that day sa work nang naabutan ko at nakapanuod ako. Oh well, its ok parin, atleast nakasama ko ang bro ko.

Last night nag G4 kami nila Papa. Haha.. Asteeg si Papa. Nanlibre nanaman ng Starbucks. Buti nalang, kasi i was asking Kev the other night (nung pyro night) na ilibre nia ako kasi sobrang uhaw na ako, but sarado na. Ayun nga.. at dahil si Papa ang nanlibre, name niya nilagay namin.. "Tintoy".. haha.. Military name nia.
We also watch KKK.. Sobrang nakakatawa. No wonder why Judy Ann won the "Best Actress" and Gina Parenjo naman for "Best Supporting Actress". Sobrang tawa kami ng tawa. And that was my 1st MMFF movie for almost 2years na. Haha..

This is my last day sa PM shift. I will miss my station. Also the team ive been with for almost 8months nadin. Starting of Wed (Jan17) Graveyard na ako. Another adjustment. Another enviroment. Also another friends. Ok lng.. i can still see my old team. But, im a bit excited too.. Why?

The Good..

1.Kasi may night dif. That means medyo lalaki ang per day ko.
2.Hindi na ako masyadong makakakain. That means PAPAYAT ako at makakapag save ako
3. Ill have more time na makagala sa hapon. Yeah!!!
4. Makakatulong na ako sa gawaing bahay.
5. Makakauwi ako ng Alabang kahit weekdays. Yeah!! At yun ang sobrang ok sa akin.
6. Papasukan ko kahit OFF ko.. Haha.. Hindi ko na mapapansin ang OFF ko dun! Yebah! More money!

The Bad..

1. Lalaki lalo ang EYEBAGS ko.
2. Wala na akong time sa NIGHT OUTS! For sure yun.
and last
3. I will MISS my TEAM!

Oh well.. Wala nanaman kwenta ang post ko so yun na yun.. Thats what happen on my weekend..

Saturday, January 06, 2007

What again..

Last year nung birthday niya hindi ko pa siya kilala. Nakikita ko lang siya dahil kaibigan ko na ang classmate niya. Hindi ko siya binati. Malay ko ba. In short anong paki ko..

Ngayon birthday ulit niya. Pero kilala ko na siya. Naging parte pa ng buhay ko. Pero hindi ko parin binati. Bakit? Anong karapatan ko. Wala na ako sa buhay niya. Hindi narin ako magiging parte ulit ng buhay niya. Sayang.. Kung ako lang sana ang kasama niya ngayon. Kung parte parin sana ako ng buhay niya, magiging makabuluhan ang kaarawan niya.

Miss na kita.. Kahit dito nalang.. Babatiin kita. Happy Birthday!

Thursday, January 04, 2007

PARTY

Wala lang! Party na mamaya.. Meaning IINOM na ako! You heard me right.. IINOM na ako! Wala ng 6 months.. Magaling na ako! Punyeta! (sorry for the term) Haha..

Cute ng Headband ko.. Yun lang masasabi ko!

PARTY...