Monday, March 31, 2008

Narealize ko lang...

"Masayado ka kasing mabait. Kung mahal mo siya tirahin mo na agad." - Dabby (to Adonis)

Walangya! Ang tatanda na pala namin. Ibang klase na kami magbigayan ng mga advice ngayon. Natawa lang ako sa sinabi ni Dabby na yan. Pero tama nga naman. Walang mangyayari kung magpapaligoy ligoy ka pa.

Tirahin mo na agad ng di na kumawala.

Saturday, March 29, 2008

Again ...

Swimming again!! Woohoo

Wednesday, March 26, 2008

AYOKO NG COMMITMENT! Take it or leave it.

Pasensya ka na. Pero yan lang talaga ang gusto ko. Ayoko ng seryoso. Ayoko masaktan. Takot ako. Takot akong masaktan ka at takot akong masaktan mo ako.

Ayoko magsalita ng tapos pero sa ngayon iyan lang ang maiooffer ko sayo, at yan lang ang gusto ko mangyari sa atin ngayon. Wag mo isipin na pinaglalaruan kita. Hindi kita pinilit sa gantong sitwasyon. Simula't sa una naman alam mo ang dahilan ko kung bakit. At alam ko kaya ka nagkakaganyan. Naiintindihan kita, pero sana intindihin mo rin ako.

Marami pang pwedeng mangyari, im not closing my doors to you. You've been one of the best persons that have come into my life, you know that you are special to me. Im not taking u for granted. I just want us to take things slow, enjoy what we have right now.

Straight to the point akong tao, and you know that. Pero sa ngayon, ayoko magsalita ng diretsyo at tapos sayo. Ayoko magisip. Ayokong guluhin mo ang isipan ko. Please. Cause honestly, your driving me crazy. Gaya ng ginawa mo sa akin dati. Hinay hinay lang please. Dahil ayokong sabihin na na ininlove nanaman ako sayo. AYOKO. Kaya please, slow down. Wag kang magmadali, hintayin mo naman ako. Ayokong tumakbo ka, mapapagod ako humabol sayo. Walk along with me.


I know you would read this. Wag kang mamagalit ha. Bati tayo. Hehe. Ok i will say it. I miss you. ü

*for beearcher

Thursday, March 13, 2008

Janina ... Confidence!

Since sikat si JANINA ngayon i just wanna share this interview that she had. Super nakakatawa. PAHIYA! NAKAKAHIYA! Hindi alam kung pano niya ilalaban ang Pinas sa Ms. World but what the heck. Panalo na sya. Wala na tayo magagawa dun. Lets just wait and see if she could really make it.

(Im not saying that im perfect when it comes to my english. Pero pucha gantong english? Syet ako ang nahihiya sa kanya.)

Good luck Janina. ü



"congrats janina for making it
i know your family are so proud of you"
-from abu (thanks)



Mo Twister: So Janina, how does it feel to win Ms. World?

Janina:
Thanks Mo. I feel confidence.

Mo: So, where will the Ms. World Pageant going to be held?

Janina:
Uhhm I still don't know... uhmm sorry, I'm not good in Geometry......

Mo: Baby doll, that would be geography.

Janina:
ahaha, uhmmm yeah

Mo: So where is it going to be held.

Janina:
I hope its somewhere in Europa because I want to go to France.

Mo: I see.

Janina:
I want to learn to speak France.

Mo: Uhmmm that would be French. The language in France? ok, Never mind.

Janina:
Ah ok. I thought France is the mmm... Mcdo? You know Fries?


*credits: Kitkat

Wednesday, March 05, 2008

Kinakamot ko padin pala. Akala ko hindi na.

*Edited

Naka relate nanaman ako sa
another senti entry ni ate noreen.


"iyong friend ko, lagi niya tinitingnan ang picture ng lalaking mahal niya and his girlfriend sa friendster." - noringai


Ganyan ako. Paminsan minsan sumisilip padin ako. Sabi nga ni ate noreen, dinudutdut ang sugat na pagaling na. Hindi ko rin kasi masabi kung pagaling na ba talaga ang sugat ko. Madalas kasi lagi kung kinukutkut. Nasasarapan pa ako sa pag scratch. Wala naman akong napapala, nagsusugat lang ulit. Maghihintay nanaman akong mag heal yung sugat saka nanaman ako mag scra2tch. Paulit ulit. Nakakapagod nadin, pero hindi ko mapigilan e. Lalo na pag nangati.


"being hurt is something we cant stop from happening... but being miserable is always our choice." - noringai


Tama nga naman. Haha. Hindi ko naman gugustuhin na maging ganyan ako. Pigilan ko nalang siguro lalo na pagnangati nanaman. Baka hindi pa gumaling at lumala ng lalo. Maging miserable pa ang buhay ko.