Wednesday, December 31, 2008

Pasasalamat sa nagdaang taon

Marami akong dapat ipagpasalamat sa nagdaang taong 2008.

Alam ko naging bahagi ka, kayo sa taong yun at maraming salamat.

Sa mga materyal na bagay na aking natanggap. Mga opurtunidad na ibinigay sa akin.

Sa mga bagong naging kaibigan. Mga taong nakasamaan ng loob at naiayos.

Maraming salamat.


Sa pamilya kong minahal, inaalagaan ako ng lubos. Maraming salamat.

Sa Cordova family na inampon ako biglang bago nilang pamilya. (especial mention sila dahil malaking parte sila ng 2008 ko)

Sa mga mapagmahal kong kapitbahay. Hindi niyo ako pinapabayaan. Maraming salamat.

Sa mga kaibigan ko. Kahit na paminsan minsan nalang tayong magkita-kita or magkasama-sama, masaya parin ako at hanggang ngayon magkakaibigan padin tayo. Maraming salamat.

Sa mga ka officemates ko. Sa mga ka team ko na naging malaking parte ng buhay ko. Nagpapasaya sa gabi-gabi kong pagpasok. Isa sa mga dahilan upang sipagin ako sa pagpasok sa trabaho. Maraming salamat.

Sa mga crushes ko (uu kasama sila dahil dahilan sila ng pagngiti ko kahit papano dahil loveless ako. Dahilan ng pagpapaganda ko kahit papaano.) Maraming salamat.

Sa mga alagang kong pusa sa espesyal na pagmamahal nilang binibigay at pinapadama. Hayop man sila pero bahagi sila ng buhay ko. Maraming salamat mga alaga ko.

Sa tatay ko. Sa lahat-lahat. Sa pagiging isang ama at isang ina sa akin. Maraming salamat. At MISS na kita.

At sa diyos na lumikha sa akin. Maraming salamat sa walang sawang pag gabay sa akin. Kahit na nakakalimot akong pasalamatan ka sa araw-araw na biyayang ibinibigay mo sa akin. Nariyan ka parin upang gabayan ako. Maraming salamat.


Maging masaya sana tayo at maging positibo sa darating na bagong taon.

Happy New Year everyone! ü God Bless. ü

Wednesday, December 24, 2008

Lonely christmas!

Effing syet!!!

(yes i did greet everyone a happy christmas but im effing lonely this christmas! paksyet!)

Christmas greeting


Happy Merry Christmas to everyone (and to your family as well)!

Tuesday, December 23, 2008

After 5 long years...

ive cut my hair short again.. ü


5years ago my hair was short.


Tronix days with Peng.


Madami nanghinayang but what the heck. I love my hair!


The 1st time ive cut my hair short again after 5years. Super pantay lang sya at walang body.


with Bea(Maqui's daughter) at Dabby's Jolibee party.



After 2 days nagpagupit ulit ako. And its really short. Hahaha. I love my new short hair. ü

me and Mae2(my kababata and orgmate) at Dairy Queen.

Wednesday, December 17, 2008

Ang hirap!

Napaiyak ako kanina kakaantay ng tubig namin sa maynilad. Ok alam ko simple lang at wala naman talagang rason na umiyak ako pero dala nadin ng stress at wala pang tulog, bwisit dahil kung kelan naka schedule ang dating ng tubig namin walang dumating. Pero narealize ko hindi ako umiyak dahil sa tubig, naiyak ako dahil narealize ko na mahirap palang magisa. Mahirap magsolo. Mahirap maging independent. Isang linggo palang akong naiwan ng tatay ko, ok naman sa simula, madali. Pero parang bibigay ako emotionally. Ngayon ko nararamdaman ang magisa. Ang pagiging magisa.

Alam ko naman na maraming tutulong sa akin once nangailangan ako.

Pero magisa nalang talaga ako. Kahit na kasama ko naman si ate gina at si kevin. Magisa padin ako! Ang hirap!

Saturday, December 06, 2008

On my dads absence

Ngayon palang nagsisimula na akong mamiss ang tatay ko. Buong buhay ko sya ang kasama ko. At ngayon, umalis na sya at tuluyan na akong hinayaan na maranasan ang kapayapan.

Sa edad ko na ito, bente quatro na ako pero nakadepende padin ako sa tatay ko. Aminado ako. Hindi pa ako handa at natatakot ako.

Maswerte na ako kung tutuusin. Maraming iniwan sa akin ang tatay ko bago niya ako hinayaang maging malaya. Kahit sa huling araw hindi niya ako pinabayaan. Ang hirap magpaalam sa kanya. Pinigilan ko lang na maiyak.

Ngayong sinusulat ko to, pinipigilan ko parin maiyak.

Mamimiss ko talaga si papa. Lalo na ung mga simpleng pagaaway namin. Nitong nagdaang buwan madalas kaming magusap ng maayos, at yun ang lagi kong hahanap-hanapin.

"Pasalamat ka at hindi naman sya malayo at anytime pwede syang bumalik. Tawagan mo nalang lagi at away-awayin mo para kunwari magkasama padin kayo. Haha." -kath


Miss ko na si Papa. Miss ko na talaga sya.

Friday, December 05, 2008

I missed my cats!


Ive found this lost picture of my cats who already died. I miss them so much na! Hay. :(




Dexter



Kulet


Dabi




Thursday, December 04, 2008

Edward Cullen, Girlfriend stealer?

I dont think so!

Mali ang pagkakakilala ng mga tao esp the guys/boys out there kay Edward Cullen.

The guys/boys think that his a threat for their girlfriends or possible girlfriends.

Jusko ha! Wag kayo matakot sa kanya dahil isa lang siyang fictional character. Fictional character na hindi totoo at hindi makakalabas sa libro.

I think kaya sya nabuo dahil sa desire ni Stephanie Meyer na bumuo ng isang perfect guy, which i think na meron naman talagang perfect guy. Girls like me have our "own perfect guy". We have our own so-called Edward Cullen.

If i have a boyfriend, he doesnt have be afraid that edward might steal his girlfriend. Cause for me he would be my own edward cullen. He may not have pale skin, marble cold body, a velvet voice, incredible strength and speed and of course he may not be a vampire, but of course he will be my perfect guy. And enough na sa akin na mahal niya ako. Now thats perfect.


You guys/boys dont have to fear him.

Edward Cullen is a form of a perfect guy. A perfect guy that you guys (ref. to the boys) could be.

Tuesday, December 02, 2008

WishList

Since nagbunutan na kami sa office at nilagay ko na wishlist ko e may sarili din akong wishlist. Hehe.

(Yung nakabunot sa akin - Summit Media Books.
1. Drama Queen by: Abi Aquino
2. The Break Up Diaries by: Maya Calica
Sa National Bookstore meron niyan. Thank u! )



Eto naman ung wishlist ko talaga! Na sana makuha ko this year or maybe next year or maybe someday! ü


1. Car *Toyota Yaris or Honda Jazz 2008* (yet masaya na ako sa binigay ni papa na blue Mitsubitsi L-Type na old car namin. May sentimental value din sa akin un. 10yrs namin car un. Natatakot lang ako alagaan. Baka hindi ko mamaintain. Yet im still wishing na bilhan padin nia ako ng bago. Hello papa! Haha)

2. Driver's License (haha.. Hanggang ngayon tamad padin ako kumuha nito. Ilang taon na akong tinatamad. Haha)

3. Sofa/Sala set - (basta gusto ko pa pagandahin ang bahay ko! Yes officially bahay ko! Mayabang? Uu mayabang talaga ako. Sa akin na ung bahay namin e. Hehe)

4. New Computer Desktop set (jaybert would u help me out picking? haha)

5. small Notebook (basta!)

6. New internet connection and Tv cable connection (kevin and ate gina paghatian natin to ha?)

7. DSLR - (pangarap ko talaga yan. Sana next year mapagipunan ko na yan)

8. Ipod Touch (uu techie ako e!)

9. Psp slim (pink or black)

10. Gossip Girl Book (ilan pang nabibili ko. Jusko ang dami pa! Pero sige lang luho ko na ang mga libro, collections ika nga)

11. Hardbound or Paperback *which ever ang magustuhan ko* na TWILIGHT BOOKS (i know! I have it all na pero gusto ko pa ng isang set, why? Gusto ko lang bakit ba! Haha)

12. OST of Twilight (ask pa kung bakit, adik na ako e)

13. Audio books ng TWILIGHT (bibili naman na ako nito kay lollypops.multiply e. hehe)

14. Hardbound book of HARRY POTTER book 1, 2 and 6 (swear nde ko na maalala kung nasan na ung HP books ko na yan, ung mga nanghiram pabalik na!)

15. New bookshelves (since madami akong books at balak ko pang dagdagan kelangan ko to)

16. Passport (sa eded ko na to wala pa akong passport. Gusto ko ng kumuha)

17. NEW Christmas Tree (sira na kasi ung luma naming christmas tree, at ciempre bibili ako ng bago. Makakakbili nadin ako etong sweldo. Haha)

18. small dog *ung di lumalaki* (kahit may 6 cats na ako parang gusto ko padin ng aso)

19. Planner (parang ayoko na ng planner ng starbucks. simple lang kasi, baka ung planner nalang sa power books or ung BPD ba un or BDP na planner. worth 500+ lang naman. Keri lang)

20. Lastly new _O_ _! (basta! need ko naman yan talaga)



Kayo anong wishlist niyo ngayon pasko or for the next year? (puro materyal ba ung akin? E un ang gusto ko e.